Ang pinakasimpleng paraan para hindi mabuntis ay ang abstinensya, ngunit hindi ito nagagawa ng maraming tao dahil sa iba't ibang dahilan. Kung ayaw mong gumamit ng paraang kemikal o magpa-opera, may iba't ibang paraang natural para iwasan ito. Isa sa paraang ito ay ang Calendar Method.
Para magamit ang Calendar Method kailangan na:
- Naitala mo kung gano katagal ang regla mo ng 6 na buwan na nakalipas.
- Hindi iikli sa 27 na araw ang pagitan ng iyong regla kada buwan sa 6 na buwan na nakalipas.
- Handa kang magtala at sundan ang galaw ng iyong katawan.
1. Sa 6 na buwan na nakalipas, hanapin ang pinakamaikling pagititan ng unang araw ng regla.
Halimbawa:
Ang unang araw ng regla ay naitala sa sa isang kalendaryo.
May 28 na araw na pagitan ng unang araw ng regla.
2. Magbawas ng 18 dito.
28-18= 10
3. Sa 6 na buwan na nakalipas, hanapin ang pinakamahabang pagitan ng unang araw ng regla.
Halimbawa:
Ang unang araw ng regla ay naitala sa sa isang kalendaryo.
May 33 na araw na pagitan ng unang araw ng regla.
4. Magbawas ng 11 dito.
33-11= 22
5. Itala ang unang araw ng regla ngayong buwan at magbilang mula sa araw na ito hanggang sa dalawang numerong nakuha. Bawal makipagtalik (ng walang ibang proteksyon) sa pagitan nito.
Halimbawa:
Ang unang araw ng regla ay naitala sa iba-iba.
Kung ang unang araw ng regla sa buwan ng Abril ay ang unang araw ng Abril, magbilang sa araw na ito hanggang sa 10 na araw at 22 na araw ng Abril. Bawal ang pagtatalik ng walang ibang proteksyon mula April 10 hanggang April 22.
Kailangan tignan ang 6 na buwan na nakalipas bawat buwan!
No comments:
Post a Comment